this is ME

dati pangarap ko lang ang maging isang Nurse balang araw, gusto ko kasi yung puting uniform na suot-suot nila..malinis, maganda at kagalang-galang tingnan..kaya pagdating ng college ang kinuha kong kurso ay nursing, para matupad ko yung pangarap ko simula bata pa lang ako..at ngayon, isa na akong nurse, dumuduty na sa hospital, yung mga napagaralan ko sa kolehiyo unti-unti ko ng nagagamit sa araw-araw na pagduty ko..marami pa akong kelangan malaman pero unti-unti matututunan ko din..sa ngayon masaya ako at nageenjoy sa mga ginagawa ko sa hospital, ang sarap sa pakiramdam.. I LOVE BEING A NURSE <3

and this the most awaited moment! GRADUATION day at syempre BIRTHDAY ko :)) almost a year na since itong date na ito, and still i remember that special day para sakin at sa mga kaklase ko..can’t hide those big smiles sa mga mukha namin :D

Parang kelan lang photoshoot namin para sa graduation, saya saya lang alalahanin :)) ito yung panahon nagmamadali kami makabalik sa school galing sa duty kasi magpapa-picture pa dahil may cut-off sila..ito din yung mga panahon na naghahanap kami ng pwede mag-ayos ng buhok namin, yung usong uso na KULOT :))